Ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Guro ngayong Oktubre 5, 2022. Isang napakagandang pagtanaw para sa mga natatanging husay at pagganap ng mga Guro bilang ating gabay at pangalawang magulang sa loob ng paaralan.
Halos 15 years ng buhay natin bilang mag-aaral e, ang mga Guro na ang ating kasa-kasama. Sila yung nagsisilbing gabay natin para matuto sa pagharap din sa hamon ng buhay. Lalo na sa propesyon na gusto nating marating. Gaya ng ating mga magulang, nagagalit din ang ating mag Guro kapag hindi natin nagagampanan ang ating responsibilidad bilang mag-aaral. Mahirap talaga ang kanilang mga ginagampanan sa ilang taon nilang pagtuturo o sabihin na natin dito na talaga nila ibinubuhos ang kanilang buhay. Ang ialay ang sarili sa propesyon nilang pinili. Ang ilan nga sa mga naging guro natin ay namaalam na at hindi man lamang tayo nakapagpasalamat sa kanila.
MINSAN DIN AKONG NAGING GURO. Oo! Sa totoo lang, naging Guro din ako sa dalawang private school na aking pinagtrabahuhan noon. General subjects ang itinuturo ko mula Kinder, Graders at Highschool. I was a Teacher for about a year lang sa dalawang school na pinasukan ko noon. That was in 2010, fourth year college ako noon. Nagturo ako bilang student-teacher sa isang private school and own by the family of my bestfriend in college sa Dasmariñas, Cavite. Hindi biro ang pagtuturo ko noon, that time halos lahat ng subjects ay hawak ko except PE. Nag-enjoy naman ako sa pagtuturo ko kahit nakakapagod. If I could still remember, halos 6 months lang ako nagturo doon. Dahil hindi kinaya ng katawan ko ang pagod at puyat dahil sa nag-aaral pa rin ako that time. Ilang oras akong magtuturo at papasok pa ako sa school para mag-aral naman. Graduating college student ako that time. Halos araw-araw akong inuubo dahil sa madalas kong hawak ay ang chalk. After I resigned, nagpahinga muna ako ng ilang buwan, nag-focus muna ako sa pag-aaral hanggang sa maka-graduate.
Year 2011, nagplano na naman akong magturo, para kasing hinihila mga paa ko sa pagtuturo noon. Kaya nag-apply ako sa isang private school sa Bacoor. Isang SPED school ang pinagturuan ko taong 2011; Regular Students at Special Students ang mga nag-aaral doon. Siyempre, hindi naman ako basta-basta nag-apply dun para maging teacher lang. Dumaan ako sa butas ng karayom at sa mga naging panelist ko; School Principal, School Owner, at ilang mga Teachers. Binigyan nila ako ng mga students sa iba’t ibang baitang at meron din isinama na isang special student bilang bahagi ng demo teaching ko. Medyo kabado pero hindi ko iyon pinahalata. I start my demo teaching with prayers, introducing myself, at yung diniscuss ko na subject which is Math (hindi ko na matandaan kung ano yung specific na tinuro ko sa math pero ginawa kong masaya at yung matututo sila) nag-enjoy ako at ang mga mag-aaral doon. After my demo teaching ni-hug ako ng mga students. Hanggang sa na-hire ako at nakapagturo roon. Masaya nung nagtuturo ako roon, lalo na pag may birthday celebration sa Kindergarten ako yung pinipili ng estuyante ko na mag-host sa birthday nila sa klasrum mismo, of course with the help of my co-teacher. Pag may school activities pa gaya ng Buwan ng Wika, nagpeperform kami ng mga students ko. Akala ko nga magtutuloy-tuloy ako sa pagtuturo during that time. Dumating yung pagkakataon na kinu-question ko na sarili ko. Hinahanap ko yung kung ano ang gusto ko. I asked myself if this is what I want in life? I ask God kung call ko ba ang pagiging Guro? Until such time, I decided to resigned again. Hindi dahil sa ayaw ko ng magturo kundi dahil sa maliit na sahod na aking natatanggap. Siyempre, wala akong rights to demand and increase my salary kasi nga iba ang tinapos kong kurso at wala akong Education units. Kailangan ko rin mag-aral that time kaso paano ko susuportahan ang sarili ko kung ang sahod ko ay hindi talaga kakasya? At may sinusuportahang pamilya. Puyat lagi ang aking nararanasan lalo na kapag may meeting ang teachers at inaabot kami madalas ng alas 10:00 ng gabi at bibiyahe pa ko pauwi sa amin. Iisipin ko na naman ang ituturo ko bukas at mga gagamiting visual aid. Hindi para sa akin ang pagtuturo. Kaya pinili kong marating kung ano ang aking natapos at Thankful ako kay God, nagagamit ko rin ang aking pinag-aralan bilang Mass Communication graduate sa iba’t ibang platforms and skill na meron ako at mga natutunan ko sa advertising since 2013.
Kaya saludo talaga ako sa mga guro na matiyagang nagtuturo sa mga mag-aaral. Hindi iniinda ang kanilang paghihirap. Marapat lamang talaga na sila ay mataasan ng sahod lalo na yung mga nasa public schools at mabigyan din sana ng gobyerno ng pansin ang mga private schools na nilugmok ng pandemya at patuloy pa ring nagbibigay serbisyo ang mga Guro sa kanilang mga pinapasukang paaralan. Isang pagpupugay sa lahat ng mga Guro sa makabagong panahon. Ikinararangal po namin kayo, Teachers!
#teachersday2022#arawngmgaguro2022#Guro#DakilangGuro#teachers#maestro#maestra#morexter