[Pinoy SMEs Stories]

QUEZON CITY — Ilan sa mga isinusulong ko na adhikain ay magbahagi ng mga kwento at inspirasyon na magbibigay pagkilala sa mga produkto na Gawang Pinoy, tatak Pinoy para sa Pinoy.

Sipag, tiyaga, tamang diskarte, at ang pagkahilig ng karamihan sa pagluluto ay nagiging daan para makaisip ng mga kaparaanan ang ating mga maliliit na kababayan na kumita sa pagtitinda ng mga pagkain na maaari nilang ibenta sa kanilang mga kakilala at sa online.

Hindi lamang tamis, kundi alat, pait, at anghang ay tunay mong malalasap sa pagsisimula ng negosyo, gaya ng nakilala ko sa pag-iikot sa lungsod ng Quezon ay napahinto ako sa aking nadiskubre na crunchy chili garlic at pure chili oil sa kahabaan ng Tandang Sora. Dito ko nakilala si Ate Kate, 40 may asawa at anak, at may-ari ng online business na Kate Chen Homemade.

Aniya, mula raw nang mag-lockdown ay hirap sila sa kanilang pamumuhay gayong may mga anak siya na dapat suportahan at magulang na dapat tulungan. Isa pa sa nagpatindi sa sitwasyon ng kanilang pamumuhay ay nang mawalan siya ng trabaho at ang asawa nito sa kasagsagan ng pandemya.

Dahil sa malaki ang naging epekto ng pandemya sa kabuhayan ng lahat at gaya ni Ate Kate, nakaisip siya ng paraan kung paano kikita para maka-survive sa hirap ng buhay na dinadanas ng halos karamihan sa atin. At ito nga ay gamitin ang kanyang kaalaman sa paggawa ng paborito nating kapartner sa kainan, ang crunchy chili garlic at chili oil.

Nagsimula si Ate Kate sa pamumuhunan na P3,000 at ito ay kaniyang pinaikot sa pagnenegosyo sa paggawa ng chili garlic sauce at gourmet tuyo na talaga namang tinangkilik ng kanyang mga mamimili at maging sa online.

“Nagsimula po ako sa Bagoong Alamang & Gourmet Tuyo lang and itong pandemic ko lang nagawa or nadagdagan ang products namin ng Chili oil, Crunchy Chili Garlic, Ginger-Lemon tea at lemon-butter chicken…” saad ni Ma’am Kate.

Gourmet Daing

Aniya, ang Anghel Sweet Bagoong at Crispy Chili Garlic ang kanyang naging unang recipe at kalauna’y nag-try naman sila ng ibang variant o flavor na pumatok din sa panlasa ng nakararami at naging maganda rin ang outcome nito sa kanilang hanapbuhay at pamumuhay na ngayon ay mabibili na rin sa Lazada.

“Unang-una dasal, sipag at tiyaga tapos mag-post lang sa social media para makita ng mga tao, mag-alok sa mga kakilala. Dapat sure ka sa product mo na masarap para balik-balikan ka nila…at talaga namang ikukwento nilang masarap ang product mo,” dagdag pa ni Ate Kate.

Sa katunayan, ang Kate & Chen ay mahigit apat (4) na taon na nila itong negosyo at dito rin sila kumukuha ng panggastos araw-araw ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pumapabor sa kanila ang pagkakataon. Nakararanas din sila ng pagkalugi ngunit hindi ito nagiging balakid sa kanilang disposisyon sa buhay.

Dahil patok ang online business, hindi na rin siya nahirapan pang ialok ang kaniyang produkto dahil sa mga mabubuti nitong mga kaibigan na sila na rin mismo ang kaniyang mga online seller at nagpapatikim sa mga umoorder sa kanila.

Iba-iba man ang luto, lasa at rekado ng ating pamumuhay, walang imposible sa taong naghahangad pasukin ang pagnenegosyo basta’t handa kang lasapin ang pait, alat at anghang ng pagsasakripisyo hanggang sa matamo mo ang tunay na tamis ng iyong buhay. Ika nga ni Ate Kate, “Basta tiwala ka sa lasa ng produkto mo, babalikan ka ng lahat.” #RBM

Para sa mga nais bumili ng kanilang produkto, narito ang kanilang price list at iba pang mga produktong ibinibenta sa online, maaring i-click ang larawan sa ibaba at bisitahin ang kanilang official Facebook page at sa LazadaPH;

Tumatanggap din sila ng mga gustong maging reseller ng kanilang produkto.

https://www.facebook.com/katechen518

=end= [RBM]

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s