Patuloy pa rin tayong humaharap sa lockdown sa ating bansa at marami na naman ang nawalan ng trabaho at mga hanapbuhay dulot ng pandemya.
Ang maganda lamang sa ngayon ay natuto na rin tayo kung paano natin ito haharapin kahit na may banta pa ng pademya sa ating bansa at hirap pa tayo sa pagbabakuna para sa lahat. Marami na sa atin ang nakaisip ng iba’t ibang mga pamamaraan para kumita. Ngunit karamihan pa rin sa atin ay hirap sa pagbubudget ng mga gastusin araw-araw. Kaya naman, narito ang ilang tipid tips kung ano nga ba ang mga bagay na dapat nating pagtuunan ng pansin para tayo ay makatipid ngayong nagpapatuloy ang ECQ sa NCR Plus at kalapit probinsya.
Mga dapat isaalang-alang sa pagtitipid;

GROCERY – Bahagi na ng ating buhay ang mamili at mag-imbak ng mga pinamili nating groceries lalo na ngayong nagpapatuloy ang ECQ. Hindi natin pinapakawalan na mawalan ng laman ang ating mga fridge [refrigerator] at ang ating kusina ng mga mailuluto at instant na makakain. Huwag tayong mabahala sa mga balita na baka mag-total lockdown na naman ang bansa, that’s a big ‘NO! NO! Tuloy-tuloy naman ang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa mga essential businesses at iba pang mga kumpanya na pasok sa rekomendasyon ng IATF. Kung mamimili, siguraduhin na sapat at hindi sosobra ang iyong pinamili ngayong ECQ. Kung hindi naman kailangan ang mga aytem na iyong pinagkukuha, baka naman maari mo itong pakawalan at ipaubaya na lang sa ibang mas nangangailangan. Tandaan, bago bumili, isulat muna ang inyong mga ipamimili kaysa humakot ng mga aytem sa pamilihan then later on you will realized na hindi mo naman pala kailangan ito.

ELECTRICITY – Dahil digitalize na tayo ngayon, marami sa atin ang nagte-take advantage for digital electronics and gadgetry. At dahil sa nagsilipana sa mga merkado ang iba’t ibang phone models, home appliances and equipment ay tila hindi na natin kakailanganin pa ang mga tradisyunal na kagamitan na hindi na natin mapapakinabangan. Para sa mga nakalilimot sa mga nakabukas na appliances gaya ng flat screen TV, mainam na ito ay i-turn OFF na lang kung nakatutok naman kayo sa inyong cellphone. Mainam din na huwag ng mamalantsa ng mga kasuotan kung wala namang pupuntahan. Lalo na ngayong pandemya hindi na uso ang meeting with people outside. Hindi mo na kailangan mamalantsa pa ng damit kung via zoom meeting naman ang iyong gagawin.
Dahil sa mainit na naman ang panahon, mainam na nakabukas lamang ang refrigerator at magtipid sa paggamit ng aircon. Kung bibili ng aircon siguraduhin na ito ay inverter ideal at alamin kung ito ba ay nakatitipid o hindi. May mga aircon units kasi na inverter nga ngunit ang gamit na refrigerant ay hindi naman akma para makatipid ng kuryente. Lagi rin tandaan na mag ingat sa mga appliances na bibilhin lalo na ang mga substandard appliances na madalas ay pinagmumulan ng sunog.

SAVING MONEY – Sa paggastos, maglaan lamang ng budget kada araw para sa inyong pamilya; pagbili ng pagkain kada araw at iba pa. Lalo na kung alam mong hindi sapat ang kita o kinikita ngayon ni mister o ni misis dahil sa pandemya na ating nararansan. Magtipid hangga’t kaya, at kung kaya namang magtiis ng hindi gumagastos ng malaki ito ay makatutulong ito sa inyo para hindi maubos ang kakaunti ninyong naipon. Mainam na magnegosyo para maka-survive. Gaya ng pagluluto at iba pang essential business na pwedeng ibenta at mapakinabangan ng lahat. Mainam ng magkuripot sa panahon ng lockdown kaysa ma-lockdown ang wallet mo at hindi ka na makahugot pa.

WATER CONSUMPTION – Sa panahon ng tag-init, tubig ang lagi nating ginagamit. Ang tubig ay nabibigay lakas sa ating katawan, sa pagluluto, pagligo, paglilinis ng bahay, paglalaba, pagdidilig ng mga halaman, sa mga hayop at lahat ng may buhay sa mundong ating ginagalawan, tubig ang ating kailangan para mabuhay.
Sa paggamit ng tubig, mainam na mayroon tayong mga drum o container na pag-iimbakan ng tubig. Lalo na ang mga lugar na hirap sa suplay ng tubig. Ang tubig na ating ginagamit sa paglalaba ay maaring iimbak para pambuhos sa ating CR. Pwede rin itong pandilig ng halaman at panglampaso sa ating bahay at maaari rin panglinis ng mga sasakyan at iba pa. Pinakamahalaga, huwag nating hayaang nakatiwang-wang ang gripo at ang metro nito para hindi masayang ang tubig at lumaki ang water bill natin. Tandaan, kung hindi naman ginagamit mainam na isarado ang main switch ng water meter para iwas sa tulo ng gripo.
Hindi na bago ito sa ating lahat, ito ay isang paalala lamang na dapat nating pakatandaan na ang pagtitipid ay nakatutulong para mapagaan ang ating pamumuhay. Ang pagtitipid sa kahit ano pa mang aspeto ng buhay ay hindi kabawasan ng ating pagkatao. Hindi ibigsabihin ng pagtitipid ay naghihirap na tayo. Ang pagtitipid ay isa sa mga pamamaraan para mamuhay tayo ng may kaayusan at less worries ika nga. Bagay na maari rin nating maituro sa ating mga anak, kamag-anak, kapatid, kapuso, kabarkada at sa ibang tao na ang alam lamang ay mag-aksaya at hindi iniisip ang paparating na kinabukasan kung mayroon pa bang madudukot sa sariling bulsa. Tandaan, kung nais natin ng kaayusan ng buhay simulan natin ito sa ating sarili at sa pagtitipid para makatulong din tayo sa iba ngayong nagpapatuloy ang lockdown sa bansa. #RBM