Hilong-hilo na ba kayo sa mga samu’t -saring balita na nagno-notify sa inyong mga phone, tablet, laptop, at maging sa telebisyon, radyo at mga pahayagan? Sino nga ba ang hindi mahihilo’t malilito sa dami nang mga gustong magsalita at pangunahan ang mga panuntunan ng mga otoridad para sa kaayusan ng lahat, lalung-lalo na ang pagpapatupad ng mga restriksyon sa ilalim ng ECQ, MECQ at GCQ sa bansa.

Gaya na lamang sa pangyayari sa isang Grab Driver na nasita at nahuli ng mga barangay personnel sa Bulacan na maghahatid sana ng lugaw para sa kanyang customer. Aniya, paanong hindi essentials daw ang lugaw? Sakabila ng pinatutupad na curfew sa buong NCR Plus at kalapit probinsya mula alas 6:00 p.m hanggang alas 5:00 a.m ay nagkaroon ng kalituhan kung ano nga ba ang sakop ng essentials at non-essential businesses sa ilalim ng ECQ?

Kaya naman, nais bigyang daan ng Diyaryo Milenyo kung ano nga ba ang sakop ng essentials and non-essentials sa ilalim na mga panuntunan na ating kinahaharap ngayong ECQ ang buong NCR at kadikit na mga probinsya.

Ano nga ba ang Essential Businesses?

Hindi pa man nagsisimula ang pandemya sa buong mundo ay batid ng karamihan sa atin lalo na ang mga negosyante at mahilig sa usaping negosyo kung ano nga ba ang essential businesses. Base sa nakalap na impormasyon mula sa Small Business Trends, “an essential business is one that provides products or services that people rely on very day or that may be necessary for some during this time period.”

Dahil sa pagpapatupad ng mga guidelines at mandato na inilabas ngayong nagpapatuloy ang pandemya, nagkaroon ng pagbabago ito ngunit mananatiling essentials ang mga sumusunod;

– Grocery stores

– Pharmacies

– Medical offices

– Big box stores

– Convenience stores

– Banks

– Mail and shipping businesses

– Hardware and home supply stores

– Pet supply stores

– Laundromats

– Gas stations

– Home services professional (plumbers, electricians, and HVAC techs)

May mangilan-ngilang negosyo rin na kinokonsidera ang essential business sa ilang mga bansa at maging sa atin na pinapahintulutan na mag-operate ngunit dapat pa rin isaalang-alang ang pagpapatupad ng health protocols at social distancing. Narito ang ilan sa mga sumusunod;

– Construction firms

– Warehouses

– Hotels

– Agriculture businesses

– Law firms

– Insurance services

– Food processing companies

– Food banks

– Companies or organizations that support underpriveleged individiuals

– B2B firms that provide needed services to essential businesses.

Ano ang Nonessential Businesses?

Obviously, ang non-essential businesses ay ang mga negosyo na nagbibigay serbisyo na hindi direktang kinakailangan ng bawat indibidwal. Karamihan sa mga non-essentials ay ang mga negosyo na madalas na nagsasara ngayon sa ilalim ng guidelines and health protocols na ating kasalukuyang sinusunod. Ilan sa mga ito ay ang;

– Bars, restaurants, and nightclubs

– Theaters

– Casinos

– Gyms and fitness studios

– Clothing stores

– Malls

– Hair salons, nail studios, and spas

– Sports venues

– Art, music, and event venues

– Museums

– Amusement parks

Ilan lamang ang mga nabanggit na ito sa mga dapat nating mabatid sa kasalukuyang pagpapatupad ng ECQ (enhanced community quarantine) sa NCR Plus at mga kalapit probinsya.

Bilang isang indibidwal, marapat lamang na ating alamin ang pinaiiral na mga health protocol at restrictions sa iba’t ibang komunidad. Kahit sakop pa ng essentials ang ating mga ginaganapan sa araw-araw kung mayroon namang curfew na pinapatupad, hindi pa rin ito makakalusot sa pagsunod sa inilaan na guidelines ng IATF at ng mga otoridad na siyang pumipigil para maiwasan ang pagdidikit-dikit o pagsasalo-salo ng mga indibidwal sa bawat pamayanan at komunidad habang nagpapatuloy ang pandemya sa bansa. #RBM

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s