***Kung stranded ka sa traffic ngayon, pwede mo itong basahin.***

Sa tinagal-tagal kong commuter, ito na ang pinaka matinding traffic na naranasan ko sa tanang buhay ko. Take note, Cavite area lang ito ha…

Gusto ko lang ishare yung na experience ko sa tuwing uuwi ako ng Naic, Cavite. Uunahan ko na po kayo, hindi po ako nagrereklamo. Gusto ko lang magkwento ng masaya at makapigil-hilab ng tiyan ko sa tagal ng pagkakaupo ko sa matinding trapiko sa Cavite.

Ako po’y laking Cavite. Dito na ako namulat sa pamumuhay at hanapbuhay ng aming pamilya, nag-aral, nagtapos at nagtrabaho. Laki man akong Cavite e, hindi ko naman trip ang bumiyahe rito (noon) kasi nga malawak ang sakop ng probinsyang ito. At nanghihinayang din ako sa pamasahe kung wala namang purpose ‘yung pagbibiyahe ko.

Matagal na akong nagcocommute since college up until now. At talaga namang danas ko ang iba’t ibang eksena ng lagay ng trapiko sa lansangan na aking nadadaanan araw-araw. Nag-start ako mag-work sa Maynila taong 2013 at ngayon dito pa rin ako nagwowork. Una akong nagwork sa BGC, then Malate Manila, sa Makati at nagwork din ako sa Commonwealth QC hanggang sa pumirmi na nga ako rito sa West Avenue QC. Danas ko rin ang matinding baha na hanggang tuhod/bewang sa may PNR Chino Roces Makati noong 2013. Maging yung baha sa Vito Cruz sa Malate Manila at ang matinding traffic sa kahabaan ng EDSA papuntang Commonwealth Quezon City pabalik ng Pasay City kung saan ako nag-boarding house for 8 years. Lahat nang ‘yan ay hindi ko inatrasan o inireklamo, dahil ginusto ko rin iyon maranasan at ginusto kong magtrabaho sa Maynila na tila inikot ko na ang buong Metro Manila pati ang Carmona Cavite hanggang Biñan Laguna. Haha! Wala akong reklamo kahit kelan. Dahil nag-eenjoy ako sa biyahe.

Pero yung naranasan kong matinding traffic sa Tejero intersection sa General Trias Cavite na talaga namang kinababadtripan ko ng sobra. Batid ko namang may mga mall doon na ginagawa, mga establishment, at marami na ring naninirahan doon dahil mura ang mga pabahay at marami ring mga nagbubukas na exclusive subdivisions at ang patuloy na pag-develop ng naturang lugar, patunay lamang ito na umuunlad talaga ang probinsya ng Cavite.

Halos dalawang oras din ang biniyahe ko mula Naic going to Tejero intersection. Pagdating dun ay mag-aantay naman ako ng jeep papuntang Robinson’s Pala-Pala. Matagal na yung 15mins na pag-aantay siguro. Kailangan ko rin makipag-gitgitan sa mga kapwa ko pasahero at dun na ang ‘continuation’ ng kalbaryo ko sa biyahe. Maliwanag pa ng nakasakay ako ng jeep sa Tejero, madilim ko ng nababaan ang Pala-Pala. Time check! It’s quarter to 7pm na pala at pipila na naman ako dun sa terminal ng multicab papunta ng Paliparan kung saan ako mismo bababa para umuwi sa bahay ni Nanay. Sobrang sakit talaga sa pwet yung nakaupo ka ng matagal sa ‘apaka’ tinding traffic doon. Nakakalula pa yung napaka habang pila sa terminal ng multicab pa-Paliparan at ilang minuto pa bago ka makasakay. Talagang tutubuan ka na ng ugat sa mahabang pila doon. Grabe! Matinding gutom at pagod sa biyahe talaga yung naranasan ko dun. Biruin mo, halos kalahating araw ko napunta lang sa matinding trapiko. Take note! Cavite lang po ito. Ganun katindi ang trapik sa Tejero, GenTri Cavite – papuntang Pala-Pala – at Paliparan kung galing ka sa Naic. Kaya ang ginagawa ko na lang, bumabalik ulit ako sa Bacoor. Doon ako nababa sa St. Dominic, may sakayan kasi doon papuntang Paliparan. Mas convenient ito, dahil dalawang sakay ka lang. Mas nanaisin ko pa yung trapik sa Daang-Hari sa SM Molino kaysa matinding traffic sa Tejero.

Halos 3 hours lang binabiyahe ko mula Naic to Bacoor to Paliparan. Unlike sa Naic to Tejero to Pala-Pala to Paliparan, 4 to 5 hours biniyahe ko. Kapag galing naman ako sa SM North at sasakay ako ng EDSA busway carousel, from there going to PITX to Naic, back and forth, mas convenient iyon sa akin. Dere-derecho lang ang biyahe ko and it tooks me to travel for 2 to 3 hours lang. Thanks #PITX at #EDSACarousel! Kung walang biyahe na derecho from QC to Naic – Naic to QC mas mahihirapan talaga ako. Kaya lesso learn, huwag kang umasa sa shortcut na daanan, kung kinakailangan mong balikan ang iyong dinaaan, bumalik ka roon. Mas passable pa iyon suungin kesa mag-shortcut ka. Baka ma-short ka sa pamasahe mo. Sana masolusyonan yung trapik sa Tejero papuntang Pala-Pala to Paliparan. Masarap umuwi sa Cavite, kahit nakakapagod bumiyahe, babalik at babalik ka talaga roon e.. Oooppsss! Masyado ng napahaba kwento ko, bababa na muna ako.. Ingat kaibigan! (cycle lang…relax lang…chill lang.. Wag init ulo sa biyahe!) #rbm

#Tejero #GenTriasCavite #Paliparan #Hillsviews #Tanza #Cavite#Kawit#Imus#GMA#Dasmarinas#TreceMartires#AlfonsoCavite#Naic#TagaytayCavite#Amadeo#Bacoor#CaviteCity#gmacavite#AguinaldoHighway#Indang#Magallanes#Maragondon#Mendez#NoveletaCavite#RosarioCavite#SilangCavite#ternatecavite #BiyaheroCavite #lakwatsero #Komyuter #PITX #edsacarousel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s