Pinag-iingat ngayon ang mga residente sa isang tila abandonadong subdivision sa Trece Martires pobinsya ng Cavite kung saan ay marami na ang napabalita at napaulat sa mga telebisyon at ilang pahayagan mula sa print at online platforms ang paglobo ng mga naitatalang kaso ng karahasan at nakawan sa nasabing lugar.
Kamakailan lang ay napaulat sa telebisyon ang isang abandonadong subdivision na ito kung saan ay tinirahan ng mga illegal settlers dahil na rin sa walang nangangasiwa o nag-aasikaso roon ay tinangkang tirahan ito ng ilan nating mga maralita o salat nating mga kababayan.
Pinakasariwang balita ngayon ay ang pagpatay sa isang 16 anyos na babae kung saan ay ginahasa ito bago patayin na natagpuan sa ilalim ng tulay.
Ayon din sa isang kakilala roon, may mga nag post na ng larawan ng mga hinihinalang suspek sa social media. Aniya, pamilyar din sa kanya ang mukha ng hinihinalang suspek dahil nakaalitan niya rin ito nang minsang hindi nila pinautang ng alak sa kanilang maliit na tindahan at pinagbabantaan pa ang buhay niya.
Dagdag pa ng aking kakilala roon ay halos tila lockdown ngayon sakanilang lugar. Sarado ang mga pinto ng mga kabahayan doon at takot lumabas ng bahay dahil ang suspek ay hindi pa rin nahahanap. Sa kasalukyan, patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek upang panagutin ang mga ito.
Panawagan ngayon ng mga residente roon na regular na mag-ikot ang barangay at magtala ng mga kapulisan na magpoprotekta sakanilang kaligtasan upang tugisin ang suspek na ito.
Ang naturang subdivision ay pabahay mula sa National Housing Authority (NHA) kung saan ay ipinagkakaloob ito sa mga mahihirap, may kapansan sa bawat miyembro ng pamilya at walang kakayahang magbayad ng malaking halaga ng buwanang hulog ng pabahay. Ngunit kinakailangan pa rin dumaan sa legal na proseso para ito ay ipagkaloob ng maayos.
#TreceMartires#Cavite#Komunidad#Panawagan#Krimen#rbmspecialreport