Viral ngayon ang video sa Tiktok kung saan ang isang ama ay nag-enrol sa Grade 1 habang sinabayan nitong mag-aral ang kanyang anak na nasa Kindergarten.
Kinilala sa video ang ama na si Rizaldy Absalon, 30 anyos, tubong Glan Saranggani habang kinakausap ng kanyang guro sa isang video post sa Tiktok.
Saad ng ama na hindi siya marunong magbasa at sumulat. Aniya, maisusulat lang niya ang kanyang pangalan kung may kasama itong mag guide sa kanya.
Dahil sa video na ito, bumuhos ang simpatiya at ang positibong mensahe ng mga netizen at siya ay hinihikayat na kanyang pagtiyagaan ang pag-aaral.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 681.9K hearts, 17.4K comments, at 4.5k shares ang video na in-upload ng guro na si @annebonitaaaa.
: @annebonitaaaa/TikTok