Good News! Pinababa na ang presyo ng asukal sa mga supermarkets at groceries sa Metro Manila ang presyo ng asukal sa P70 kada kilo.

Sa inilabas na Press Release ng Office of the Press Secretary nitong Lunes (Aug. 22, 2022), sinabi ng Malacañang na napagkasunduan ng mga may-ari ng supermarket at grocery chains ang kahilingan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanilang ibababa ang presyo ng asukal sa P70 kada kilo, mula sa pinakamataas na presyo nito sa P90 hanggang P110 kada kilo.

Pinuri naman ng Pangulo ang pagiging selfless ng mga negosyanteng ito para sa kapakanan naman ng mga ordinaryong mamimili na nakararanas ng kahirapan sa buhay mula nang sumipa ang presyo ng naturang produkto sa bansa.

“This is a classic display of the Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country. It is good to know that consumers are now enjoying the price-drop of sugar in the leading groceries and supermarkets,” saad ni Marcos Jr.

Kamakailan, nakipagpulong ang Pangulo sa mga may-ari ng Robinsons Supermarket, SM Supermarket at Puregold Supermarket kung saan lahat sila ay tumugon sa kahilingan ng Pangulo para maibigay ang suggested retail price (SRP) na P70 kada kilo.

Nakatuon ang mga negosyante ngayon sa kahilingang ito ng chief executive na makapag-unload ng isang (1) milyong kilo ng asukal sa kani-kanilang supermarket na ipinatupad nila nitong Lunes (Aug. 22, 2022).

Siniguro naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang mga konsyumer ay makakabili na muli sa pinaka mababang presyo ng asukal ngunit lilimitahan naman ang pagbebenta nito sa 1 kilo kada mamimili.

Ang nasabing SRP ng asukal ay maaari lamang magtagal hanggang sa ito’y maubos, ayon sa mga negosyante at ito ay mahigpit na babantayan ng DTI.

Nakipagpulong din ang Pangulo sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) para pag-usapan ang mga posibleng solusyon sa diumano’y kakapusan ng asukal sa bansa kung mayroong nga bang sabotahe sa industriya ng asukal.

Aniya, dapat na masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili kung ang ibinibentang asukal sa merkado ay ligtas gamitin at ng mga kumpanyang gumagamit ng asukal sa kani-kanilang mga produkto at kung ito rin ba ay pasado sa compliant para sa local and international standards and regulations.

“Hopefully, we can get some concessions with the traders so that at least the pricing will be reasonable. The concern is the supply right now. I’ll make sure that there is sufficient supply in the country so that you can operate at full capacity,” dagdag ni Marcos Jr.

Samantala, tinitignan pa rin ng Pangulo ang direktang pag-import ng asukal sa mga food manufacturers na bahagi ng emergency measures ukol sa usaping ito na kinakailangan naman ng approval ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung saan ay si Pangulong Marcos Jr., ang chair ng nasabing ahensya. #RBM

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s