Bibihira sa mga balita ang mapaulat na nagkakaroon ng shortage o kakapusan sa puting sibuyas.

Kamakailan ay nagtrending ang isang twitter post ng sikat na Actress na si Cherry Pie Picache na ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng shortage sa white onions at nagkakahalaga raw ito ng P500/kilo na pinutakte rin ng samu’t saring komento ang usaping ito ng netizens.

Sinundan pa ito ng mga post ng iba pa nating mga kababayan lalo na ang mga gumagamit ng white onions sa kani-kanilang mga restaurant especially sa paggawa ng salad at iba pa.

Dahil sa usaping ito, kinumpirma ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na ubos na nga ang suplay ng puting sibuyas sa bansa.

Bakit nga ba nagkakaroon ngayon ng kakapusan ng suplay ng puting sibuyas sa bansa?

Ayon sa mga eksperto, karaniwang nagkukulang talaga ang suplay ng mga produkto kapag Out of Season ito gaya ng puting sibuyas. Kadalasang nasa pagitan ng Oktubre hanggang Pebrero ang pagtatanim ng puting sibuyas sa bansa. Ang anihan naman nito ay pumapatak tuwing buwan ng Marso hanggang Abril lamang.

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang importasyon ng puting sibuyas upang matugunan ang kakulang sa suplay ngunit isinasaalang-alang din ng DA na hindi ito makakaapekto sa kabuhayan ng ating local producers at farmers ang posibilidad ng pag-aangkat. Bunsod din ito ng nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, abono at binhi ng white onions kumpara sa pulang sibuyas.

Anya, gawin na lamang alternatibo ang pulang sibuyas sa mga ingredients sa anumang lutuin na ginagamitan ng white onions na tila hindi naman ito maaaring gawin ng ibang restaurant at iba pang gumagamit ng puting sibuyas.

Sa kasalukuyan, marami na ang walang nabibilihan ng puting sibuyas ngunit may mga mabibilhan pa rin sa ilang mga merkado gaya sa mga mall. Naglalaro sa presyong P155 hanggang P160/kilo ang presyo nito.

Makikipagpulong din ang pamunuan ng DA sa mga magsasaka ng puting sibuyas upang talakayin ang mga hakbang na gagawin ukol sa lumalaganap na kakapusang ito sa bansa at iba pang pangangailangan ng mga magsasaka.

Ano ang masasabi mo sa usaping ito? Apektado ka ba, Kaibigan?!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s