Ipinaliwanag ni DepEd Spokesperon Atty. Michael T. Poa sa isang programa sa TeleRadyo ang proper perspective sa funding ng pagpurchase ng laptops ng DepEd para sa mga guro.
Ayon kay Atty. Poa, ang pondo na ginamit sa pagbili ng mga laptops ay galing sa Bayanihan 2. Dahil may timeline ang fund ng Bayanihan 2 at dapat matapos ang procurement o projects kung hindi ay hindi na magagamit pa ang naturang pondo. Upang hindi masayang ang pondo, ibinigay ito sa Department of Education (DepEd) para bumili ng mga laptops dahil sa remote learning ang lahat at kailangan ng ating mga guro ang karagdagang kagamitan sa kanilang pagtuturo online dulot ng pandemya.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang DepEd sa PS-DBM to procure laptops. Nag-transfer ng fund ang DepEd sa PS-DBM at sila na ang nag-procure nito. Mayroong AOM o (Audit Observation Memorandum) mula sa Commission on Audit (COA) na humihiling ng supporting documents mula sa DepEd.
Ang naturang AOM ay ibinigay noong March 2022. May mga katanungan ang COA patungkol sa presyo ng mga laptops na kinakailangan ng supporting documents kung bakit mataas ang presyo ng mga biniling laptops? Dahil sa mga katanungang ito ay walang maipresenta ang DepEd sapagkat hindi sila ang direct procuring entity para sagutin ang mga katanungang ito.
Samantala, nagpadala na ng liham ang DepEd sa COA at handa nilang harapin ang mga katanungan ng COA kapag nakuha na nila [DepEd] ang mga necessary documents mula sa PS-DBM. Nagpadala na rin ng liham ang DepEd sa PS-DBM dahil bago na ang administration ng ahensya.
Sa kasalukuyan, patuloy na sinisiyasat ang iba pang anggulo ng usaping ito kung mayroong overpricing sa pagbili ng laptops para ating mga guro. #RBM