Sa kabila ng nakalulungkot na balita, matapos ang malagim na trahedya na sinapit ni former Japanese Prime Minister Shinzo Abe na pumanaw nitong Biyernes, June 8, 2022.
May iniwang magandang alaala ang dating Japanese official sa Pilipinas.
Naging memorable ang kanyang pagbisita sa Pilipinas noong Enero 13, 2017. Sapagkat, isang rescued Philippine eagle ang pinangalanang Sakura, bilang parangal kay Abe.
Si Sakura ay isang rescued eagle na natagpuan sa Talaingod, Davao del Norte na nagtamo ng gunshot noong 2016.
Ang Sakura ay isang pamosong bulaklak sa Japan na itinuturing na “national flower.”

Isang ceremonial adoption ng ibon ang ginanap sa Waterfront Insular Hotel in Lanang, Davao City. Ngunit hindi na isinama si Sakura dahil ito’y nagpapagaling. Dito ay inabutan ni former President Rodrigo Duterte si Abe ng Philippine eagle stuffed toy at framed photo ng Philippine eagle na si Sakura.
Matapos ang parangal na ipinagkaloob kay Abe, nag-pledge ito ng Php125,000 sa susunod na limang taon para sa rehabilitasyon at pag-aalaga kay Sakura.
Sinabi pa noon ni Philippine Eagle Foundation Inc. Executive Director Dennis Salvador na dati nang tumulong ang Japanese government sa pagpapatayo ng education center ng Philippine Eagle Center.
Ang Japan ang first foreign government na nag-adopt ng Philippine eagle, sabi pa ni Salvador.
Si Abe, na nagsilbi for 14 years, ang longest-serving prime minister sa Japan.
Ito ang ikalimang taon ng pledge ni Abe.