PINAALALAHANAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na gumagamit ng electronic vehicles gaya ng e-bikes at e-scooters na dapat itong irehistro at magkaroon ng driver’s license.
Bunsod ito nang lumalagong bilang ng mga gumagamit ng ganitong uri ng behikulo na mahigpit na binabantayan ng ahensya ng gobyerno dahil ito ay nagiging sanhi rin ng mga aksidente sa lansangan.
Sa pagtatala ng MMDA, mula January hanggang May 2022, nakapagtala ang ahensya ng 64 accidents na may kaugnayan sa e-bike, 16 dito ay e-trikes, at 2 naman sa e-scooters.
Narito ang listahan ng mga electronic vehicles na dapat iparehistro sa Land Transportation Office (LTO);
- E-scooter L2B (26-50 KPH)
- E-motorcycle (exceeding 50 KPH)
- E-trike
- E-quad
- E-car
- E-SUV
- E-utility (jeep or vehicle)
- E-bus
The entirety of RA 11697 is available in the Official Gazette.