TINGNAN: Nakapanlulumo ang sinapit ng mga kababayan natin sa Abuyog at BayBay City sa Leyte kung saan maraming naitalang nasawi sanhi ng pagguho ng lupa dulot ng bagyong #AgatonPH.

Umabot na sa 25 kumpirmadong nasawi at nasa higit 100 naman ang nasugatang individual at nasa 150 pamilya naman ang inilikas na ngayon ay nasa mga Evacuation centers nanunuluyan.

Nasa 150 naman ang napaulat na nawawala na maaaring umakyat pa ang bilang na ito.

Ayon pa sa pagtatala ng mga otoridad, 5 barangay ang lubusang pinadapa ng bagyong #AgatonPH sa BayBay, Leyte dulot ng landslide. Patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad para sa mga nasalanta ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan at landslide sa nasabing probinsya.

Higit ang kailangan ngayon ng pagkain, gamot at mga damit para sa mga nakaligtas sa hagupit ng bagyong #AgatonPH.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s