Nananawagan ng tulong pinansyal ang mag-asawa na sina Vicente Coching Merez at Michelle Falquesa Merez para sa tuloy-tuloy na gamutang medikal ng kanilang bagong panganak at premature baby na si baby Ashriel Josh Falqueza Merez.
Si baby Ashriel ay may sakit na VSD o Ventricular Septal Defect, may problema rin sa kanyang lungs, kidney at lack of oxygen to the brain. Narito ang kanilang mensahe na nais iparating sa mga may mabubuting kalooban para sa kalusugan ng kanilang premature baby;


Magandang umaga/gabi sa inyong lahat!
Kami po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso upang humingi ng tulong financial at panalangin para sa sanggol na Si ASHRIEL JOSH FALQUEZA MEREZ na isang bagong panganak at premature baby. Siya ay pinanganak noong MARCH 24,2022. PLEASE HELP US na makalikom ng pondo para madugtungan ang kanyang buhay at matustusan ang ilan sa mga gastusin sa hospital ni baby ASHRIEL JOSH na kasalukuyang ay nasa NICU sa QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER (QMMC) sa Quezon City.
Si ASHRIEL JOSH ay tumitimbang lamang ng 3.4 grams. Dahil sa kanyang kondisyon, si ASHRIEL ay inaasahang mananatili sa NICU, siya ay may (VSD) VENTRICULAR SEPTAL DEFECT, LUNGS, KIDNEY AND LOCK OF OXYGEN TO THE BRAIN.
Maliit man or malaki ang inyong ibabahaging tulong basta bukal sa inyong mga puso. Ako po at ang kanyang mga magulang na sina Vicente Coching Merez at Michelle Falquesa Merez ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo. Naway pagpalain tayo ng Poong Maykapal at Siya na ang bahalang magbalik sa inyo ng blessing sa kabutihang maitutulong niyo sa amin at lalung-lalo na kay baby Ashriel. MARAMING SALAMAT AT PAGPALAIN KAYO NG PANGINOON.