Patindi nang patindi ang mga kampanyang ikinakasa ng mga kumakandidato sa panguluhang pagnanasang maupuan ninuman.
Pormal na ngang inihayag ng PDP-Laban o ang Partido Demokratiko Pilipino and Lakas ng Bayan na kanilang susuportahan ang kandidatura ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panguluhang pwesto sa darating na 2022 Eleksyon.
Tila hindi na ito ikinagulat ng nakararami matapos ang endorso ng PDP-Laban faction kay Bongbong Marcos. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na susuportahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bongbong kung saan ay minsan nang sinabi ni Duterte na isang “weak leader” si Bongbong. Well, let’s wait for the announcement of President Duterte.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte na mainam na suporthang kandidato ay isang mambabatas at may kakayahang paglingkuran at matugunan ang pangangailangan ng mamamayang Pilipino. Aniya, kung sakaling siya ay pipili ng mamanukin na kandidato sa pagkapangulo, napipisil niya ang may letrang “O” sa pangalan nito. Grabe! Parang may pa-Bingo pa ang Pangulo.
Ayon sa pahayag ni party faction led Energy Secretary Alfonso Cusi, nakita nila ang katangian na kailangan ng kanilang partido para ipagpatuloy ang mga nagawa na ni Pangulong Duterte sa katauhan at representasyon ni Bongbong Marcos.
Dahil dito, nagbigay naman ng pahayag si Sen. Pacquiao na huwag daw sundin si Cusi sa ginawang pahayag nito dahil baka nakalimutan lamang ni Cusi na ang PDP ay kontra sa rehimeng Marcos. Tila sampal umano ito sa iba pang miyembro ng kanilang partido. Sinabi pa ni Pacquiao na hindi niya hinahamon ng away si Cusi bagkus pag-isipan nito ng mabuti kung totoo siyang nagmamalasakit sa kanilang partido.
Hindi rin ito nagustuhan ni Koko Pimentel ang ginawang aksyon ni Cusi at mga kasama nito.
Aniya, pinatunayan lamang nila na sila ay patotoong estranghero sa PDP-Laban faction. Ni hindi raw nila kinilala na ang PDP-Laban ay itinatag upang labanan ang diktadura ni Marcos at kung bakit nila susuportahan ang anak nito sa panguluhang pwesto?
Sa katunayan, hindi pa rin naibabalik sa taumbayan ang P203 billion worth of estate taxes ng pamilya Marcos at ang hindi pa kasamang P125-B ill-gotten wealth. Hindi ito FAKE NEWS! Ito ay patotoo mula sa BIR at sa PCGG.
Anyare PDP-Laban?
Paano nga ba nabuo ang PDP-Laban at kung bakit maugong ito sa nakararami? Ang PDP – Laban ay ang pinagsamang Partido Demokratiko Pilipino and Lakas ng Bayan. Naitatag ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) noong Pebrero 6, 1982 sa Cebu City na itinaguyod ng yumaong senador na si Aquilino “Nene” Pimentel Jr., para labanan ang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang ika – 10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang ruling party naman ni Marcos Sr ay ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Isinusulong ng PDP-Laban ang kapayapaan at demokratikong pamamaraan ng buhay, Kalayaan, Pakikiisa, Katarungan, Pagkakapantay-pantay, Panlipunang Responsibilidad, Self-reliance at kahusayan, Nasyonalismo, at isang Pederal na Sistema ng Parlamentaryong Pamahalaan.
Sa kasalukuyan, si Pacquiao ang presidente ng PDP-Laban faction, si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III naman ay ang anak ng founder ng nasabing partido at si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang Chairman ng PDP-Laban.
Tapos na ba ang Laban? Parang ‘Di Pa!
Sa mga pagkakataong ito, tila inililigaw pa rin tayo ng mga salitang nakalilito ng sobra sa taumbayan na matagal ng pinaglalaban na karapatan na huwag ng maulit muli ang mga nangyari noon. Huwag nating sukuan ang laban na ito, hangga’t may sumusuporta sa kaayusan ng ating bayan at kahit nakakalamang pa sa survey ang nakakaangat. Hindi ibigsabihin nito ay tapos na ang laban. Hindi pa tapos ang laban! May ibubuga pa ang lahat ng naghahangad ng maayos na pamumuhay at matapat na paglilingkod sa ating bayan. Pakaiisipin nating mabuti kung sino ang karapatdapat nating iluluklok sa nasyunal at lokal na pamahalaan. Maging matalino sa iyong pagboto kaibigan. #RBM