Good news para sa mga komyuter ng MRT-3!
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 simula Marso 28 hanggang Abril 30, 2022.
Sa isinagawang seremonya para sa pagkakumpleto ng MRT-3 rehabilitation, inihayag ni Duterte na napapanahon na ang pagsasakatuparan sa proyektong ito.
Layon nito na makapagbigay ng de kalidad na serbisyo sa mga Pilipino bilang tugon sa new normal at ang matinding trapiko kahit na may pandemya pa rin.
Aniya, mas pinaiigting ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapabuti ng national road system ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 22 na ang tumatakbong train ng MRT Line 3 at mayroon na itong operational speed na 60kph sa dating 25kph.
Ang dating napakatagal na interval o headway ng pagdating ng mga train sa bawat istasyon nito ay aabot na lamang sa tatlo’t kalahating minuto mula sa dating pagtatala na 11 minuto.
Makapagsasakay na ng mahigit 600,000 passengers kada araw mula sa dating 200,000 mga pasahero nito. #RBM