Pinapayagan nang gamitin ang Elevated Skyway para sa public utility buses at closed van delivery trucks simula Abril 1, ayon sa anunsyo ng diversified conglomerate San Miguel Corporation nitong Lunes (Marso 21, 2022).

Sinabi ng SMC subdiary Skyway O&M Corporation (SOMCO) na ang lahat ng Class 2 vehicles ay gumagana na at pinapayagan sa buong elevated Skyway system na binubuo ng Skyway 1, 2 at 3 para sa mga bus at closed vans na lagpas 7 feet ang taas at mayroong valid na Autosweep RFID stickers.

Ang Skyway Stage 1 ay kumukonekta sa Buendia hanggang Bicutan, ang Stage 2 mula Bicutan patungong Alabang, at ang Stage 3 mula Balintawak hanggang Buendia.

Kasama rin sa pagbubukas ng lanes sa Class 2 vehicles ang Quezon Avenue, ang Main Plaza sa Sucat Area, Quirino Exit, Dr. A. Santos, Doña Soledad, Buendia, Del Monte, G. Araneta northbound entry, Nagtahan at NAIA Expressway.

“With the reopening of the Skyway to public buses and select transport trucks, we’re hopeful that many of our countrymen from both north and south can benefit from the convenience provided by the entire Skyway system,” saad ni SMC President Ramon Ang sa isang emailed statement.

“This is an option for commuters as well as public transport services, who would like to have a faster, more direct, or even point-to-point access to their destinations. This will also help to further decongest our public roads, given that we are now back to pre-pandemic levels of traffic,” dagdag pa.

Binigyang diin ng SMC na ang modified 4 or 6-wheeler at closed delivery vans ay hindi pa rin papayagan na dumaan sa elevated ramps para na rin sa kaligtasan ng lahat. Mahigpit ding ipinatutupad ang 60-kilometers per hour speed.

Aniya, dapat siguraduhin ng mga may hawak na Autosweep RFID na mayroong sapat na balanse at kung sakaling insufficient load na ay kinakailangang dumaan sa at-grade section.

Samantala, ang 18-kilometers Skyway Stage 3 Elevated Expressway ay opisyal nang binuksan para sa mga motorista noong Enero 2021. #RBM

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s