[OPINYON]

Mabusising tinitimbang ang pagtingin ng mga ekonomista sa lagay ng ating pandaigdigang ekonomiya kung paano nga ba ito haharapin ng susunod na Lider ng ating bansa. Sakabila nang pagbagsak ng ating ekonomiya dulot ng nagpapatuloy na pandemya sa buong mundo.

Nang magsimula ang kampanya ng mga tumatakbo sa panguluhang pwesto nitong Pebrero 8, 2022 ay tila hindi nahihimay ng husto ang lagay ng ating pandaigdigang ekonomiya. Tila paulit-ulit lang ang kanilang sambitla at ang pangangampanya ng kani-kanilang mga adhikaing nilalatag sa publiko ngunit hindi natutukoy ng husto ang kanilang plataporma at ang direktang usaping ito.

Tila wala ring epekto ang mga naglipanang political ad campaigns sa radyo at telebisyon dahil na rin sa kaliwa’t kanang patutsadahan ng mga matatalak na mga netizen na sila na rin ang nagpapatulan sa isa’t isa, isama pa ang mga trolls dito. Kabisado na rin ng taumbayan ang mga adhikain na pabahay sa mahihirap, trabaho, hanapbuhay, pagkontrol o maipababa ang mataas na singil sa kuryente, tubig at petrolyo at ang pagpapalawig ng imprastraktura sa bansa at marami pang iba.

Sa mga nagdaang pag-uulat, ikinababahala ng International economics na maaaring malagay sa malalang kalagayan ang ating ekonomiya kung sakaling mailuklok ang kandidato sa panguluhang pwesto kung siya ay walang sapat na kaalaaman, kakayahan sa usaping pandaigdigang pag-unlad ng ekonomiya.

Ayon sa capital Economics, ang kawalan at hindi klarong paghihikayat sa mga plano ng tumatakbo sa panguluhang pwesto ang siyang maglalagay ng ating kalugmukan sa hinaharap. Gayundin ang samu’t saring kontrobersiyang kinakaharap ng ilang mga kandidatong maugong sa bayan. Magpapatuloy lamang ang kalugmukan ng ating ekonomiya kung walang malinaw na paghihimay-himay sa usaping ito.

Dapat natin mapisil kung sino ang titindig at karapat-dapat na mamuno sa ating bayan at huwag iasa sa nepotismo o “palakasan system” at may kakulangan sa kasanayan sa politika. Malaking sangkap ang pagtindig sa pang-ekonomiyang pagpapalakas kung ang kandidato ay may sapat na kaalaman at kakayahang harapin, pamunuan at ibalangkas ang lagay ng ating ekonomiya at ang pandaigdigang pag-unlad nito.

Ang ekonomiya ang pinag-uugatan ng isang matatag na bansa at ng bawat mamamayan. Kailangan, long-term plans at hindi dapat malagay sa kawalan ang pagbalanse sa seguridad ng ating ekonomiya. Mahalagang aspeto ang paglago ng ekonomiya at ang ating pag-ulad. Ito ay isang kadahilanan sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mamamayang sakop ng malagong ekonomiya. Isa rin sa mga hakbangin nito ay ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong pamumuhunan na nagpapalago ng Gross Domestic Product (GDP) sa bansa.

Habang papalapit na tayo sa eleksyon, mas nababatid na natin dapat kung sino nga ba ang ating iluloklok sa pinakamataas na pwesto sa ating bansa. Huwag magbulag-bulagan sa pinipili nating kandidato na ang basehan lamang ay ang social media at mga troll na patuloy pa ring nagpapalaganap ng fake news. Hindi tayo makakausad kung ganito ang ating pagtingin at pagpili sa susunod na mamumuno sa ating bansa.

Mainam na ating mapagtanto kung tayo nga ba ay papanig sa nepotismo, o kung sino lang ang paborito sa social media o mananaig nga ba ang sarili nating desisyon sa pagpili ng tama. Tandaan, ang eleksyon ay hindi tungkol kung sino ang bet ng bayan, kundi, kung sino ang makakatulong sa bayan, sa ekononomiya at ang ating magiging kinabukasan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s