[UPDATE as of 3:45PM, today]
Nananawagan ng tulong ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Paliparan 3 lungsod ng Dasmariñas probinsya ng Cavite matapos matupok ng apoy ang kanilang kabahayan sa nasabing barangay nitong umaga.
Naganap ang sunog dakong alas 9:45 ng umaga ngayong araw, Enero 22, 2022.

Sa panayam kay Sir Arnel Alcorroque, isa sa mga kilalang naglilingkod sa Barangay Paliparan 3 at residente mismo kung saan naganap ang sunog, aniya, nasa labing-tatlong (13) pamilya ang nadamay sa sunog at hindi na nilang nagawa pang isalba ang kani-kanilang mga gamit gaya ng damit, mga pagkain at iba pa dahil sa minabuti nilang makaalpas sa nagliliyab na apoy upang iligtas ang kani-kanilang mga sarili.
Tuluyang naapula ang sunog kaninang bago magtanghali sa pagtutulungan na rin ng mga residente roon at ng BFP sa nasabing lungsod at ang pakikiisa ng Prime Water Dasmariñas City.


Nag-iwan ng trauma ang naganap na sunog sa mga pamilyang nawalan ng matitirahan at ang panlulumo kung saan ay may mga nadamay pa na alagang manok at mga kalapati na nilamon ng apoy.

Gumagawa na rin ng hakbang ang pamunuan ng Barangay Paliparan 3 at nakipag-ugnayan na rin sa lokal na pamahalaan sa lungsod ng Dasmariñas Cavite.



Sa kasalukuyan, ang mga residente o ang bawat pamilya roon ay pinipilit na makapag-salba pa ng kanilang mga damit na maari nilang maisuot at mapakinabangan ngunit abo na lamang ang kanilang nadatnan.
Para sa mga nais mag-abot ng tulong pinansyal, mga damit at pagkain, maaaring makipag-ugnayan lamang kay Sir Arnel Alcorroque sa numerong ito; 09993290847. Maari ring mag-message sa mga official Facebook account/page na nasa ibaba;
https://www.facebook.com/groups/424343338533900
https://www.facebook.com/arnel.alcorroque
https://www.facebook.com/carol.alcantara.946
https://www.facebook.com/RexMolinesOfficial/
Maraming salamat Kaibigan! Tulungan natin ang mga higit na nangangailangan ng tulong sa oras ng aksidente, trahedya o sakuna. #RBM