Nananawagan ang mga negosyante sa bansa sa pamahalaan na makapagbahagi ng free COVID-19 testing para sa kani-kanilang mga manggagawa, bunsod muli ng pagtaas ng COVID-19 cases dulot ng Omicron variant.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry President Emeritus George Barcelon, na kailangan ng gobyerno na maglaan ng karagdagang testing para sa mga pribadong sektor.

“We can only mitigate sana with more testing. Halimbawa, ‘yung mga tao namin, kami we are giving them our own test which is very expensive, kaya dapat ang gobyerno mag-supply naman ng mga reasonable at tsaka affordable and available na rapid test,” saad ni Barcelon sa panayam sa 24 Oras Weekend nitong Linggo.

Sinabi naman ni Presidential Adviser for Entreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III na ang pribadong sektor ay magsasagawa na rin ng pag-implementa ng RT-PCR testing para sa mga unvaccinated na mga manggagawa kada dalawang linggo ngayong taon.

“Malaking pera para sa kanila ‘yan. Halos P70,000 ang gastos nila kung hindi sila kukuha ng bakuna,” saad ni Concepcion sa magkaparehong pag-uulat.

Sa kaugnayan, suportado ng Makati Business Club (MBC) ang panawagang ito na muling ibalik sa Alert Level 3 dulot ng pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

“Naniniwala ang business community na tama ang hakbang na ito. Base siya sa datos at siyensya, at advanced ang announcement para may oras at pagkakataon ang mga business at tao para mag-adjust dito,” ani MBC Spokesperson Coco Alcuaz.

Sa ngayon ay nagsimula na ang Alert Level 3 sa NCR na magtatagal hanggang Enero 15, 2022. 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s